Wander Girl

An aimless wanderer. But not all who wander are aimless, especially those who seek truth beyond tradition, beyond definition and beyond the image.

Friday, July 14, 2006

Ang Buhay Parang Sine

Maraming beses nang parang nag-oopening credits ang buhay ko.




Alam nyo yung mga pelikulang gaya ng Bcoz of You at Regal Classics na may tatlong episodes sa iisang pelikula? Parang ganun ang buhay eh. Maraming episodes pero isa lang ang end credits. Kasi ang buhay parang pinagtagpi-tagping mga istorya. Minsan nga patung-patong pa. At ikaw at ikaw lamang ang bida.

O bida nga ba?



Kasi ako, aaminin mo ko, kung magiging estorya ang buhay ko, maraming magproprotesta. Hindi kasi ako pang bida. Pang kontra-bida.

Ako yung tipong nang-aapi, nanghahamak, naninira ng buhay. At least, yun ang tingin ng higit na nakararami sa akin. Naging "evil girlfriend" na ako. "Stalker/obsessed admirer", "kabit", "rebeldeng anak", "masamang kaibigan", "teacher's enemy no. 1", at kung anu-ano pa. Ako yung tipong kinakainisan ng mga nanonood. Yung tipong gustong patayin. Na sa bandang huli, sasabihan ng mga nanonood ng, "buti nga sa'yo".



Kailan nga ba nanalo ang isang kotrabida sa isang istorya?

Kaya siguro gustong-gusto ko ang "Wicked" dahil sa unang pagkakataon, naipakitang hindi lahat ng kontabida ay ginustong maging kontrabida.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home